Miyerkules, Marso 7, 2012

Ang JABBAWOCKEEZ ay ang tinaguriang pinaka unang nanalo sa hip hop show na ABDC o Americas Best Dance Crew. Sila ang pinaka kinahahangaan ng mga maraming tao sa pilipinas at pati na rin sa ibang mga lugar isa na ako sa mga taong umiidolo sa kanila dahil sa kanilang mga maaangas na galaw sa kanilang pagsasayaw. Ibat ibang mga sayaw na ang kanilang nagawa katulad na ng red pill at apologize. Ang red pill na sayaw ang pinaka hinangaan ng marami. Dahil sa angking galing at talento sa sayaw ng mga miyembro sa jabbawockeez , sila ay ang mga kinagigiliwan na panuorin ng mga tao sa ibang bansa. Lagi silang iniimbitahan sa ibat ibang mga palabas sa ibang bansa.


Nabuo ang kanilang grupo sa pamamagitan ng miyembro na sila kevin brewer, phil tayag at joe sa punkee. At nang tumagal tagal ang panahon nawili na rin ang iba na sumali. Nakilala nila sina Ben "B-Tek" Chung, Chris "Cristyle" Gatdula, Rynan "Kid Rainen" Paguio, and Jeff "Phi" Nguyen. Lage silang naka maskara tuwing silay sasayaw na. ang kanilang mga katawan ay malalambot pag sumayaw. Ang kanilang mga sayaw ay inaalay nila sa kanilang pang pitong miyembro sa si gary. Ginagawa nilang inspirasyon ang taong iyon tuwing silay sasayaw.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento